-- Advertisements --

Nagsalita na si Kim Kardashian sa mental health issues ng kaniyang asawang si Kanye West.

Sa Instagram ni Kim, nagpost ito tungkol sa bi-polar disorder ni Kanye.

Sinabi nito ng lahat ng dumaranas nito ay maiintindihan ang sakit nito.

Naging brilliant at complicated person umano si Kanye.

Hiniling na lamang niya sa kaniyang mga fans ang pag-iintindi sa asawang si Kanye.

Ang rapper ay sikat sa US na siyang nagpahayag ng pagtakbo bilang pangulo ng US.

Ikinasal ang dalawa noong 2014 at sila ay may apat na anak.