-- Advertisements --
Nagdesisyon na si Kim Kardashian West na papalitan na niya ang pangalan ng kaniyang lingerie line.
Umani kasi ng batikos ang unang ipinangalan nitong ‘Kimono’ lalo na sa mga Japanese.
Pinuna kasi ng mga taga-Japan ang brand ni Kim dahil itinuturing nilang isang tradisyonal na damit sa Japan ang nasabing Kimono.
Dahil dito ay nagpasya ang reality star na palitan na lamang ng pangalan ang kaniyang inilunsad undergarments product.