-- Advertisements --
Kim Kardashian
Kim Kardashian/ IG post

Pinalitan na ni Kim Kardashian ang pangalan ng kaniyang shapewear matapos na ito ay batikusin.

Mula sa dating “Kimono” ay pinalitan na ng reality star ito sa “Skims Solutionwear”.

Ayon pa dito na nakinig siya sa mga payo ng kaniyang mga fans at followers kaya pinalitan niya ang nasabing pangalan.

Magugunitang noong Hunyo ng unang ilunsad ang shapewear nito at tinawag na “Kimono” subalit binatikos ito ng mga taga Japan dahil nakakabastos daw ito sa kanilang kasuotan na kanilang nirerespeto.

Nakuha nito ang bagong pangalan sa pamamagitan ng pagtanong sa mahigit na 61 million social media followers niya.