-- Advertisements --

Ibinunyag ngayon ng American reality show star Kim Kardashian na ito ay kumukuha ng kursong abogasiya.

Ayon sa 38-anyos na lifestyle mogul, umaasa siyang maipasa niya ang California bar exams pagdating ng taong 2022.

Mula pa noong nakaraang taon ay may internship na raw siya sa isang California law firm.

Naenganyo itong mag-aral ng pagiging abogado matapos na maging tulay para hikayatin si US President Donald Trump na bigyan ng pardon si Alice Marie Johnson.

Ang 63-anyos na si Johnson ay nagsilbi ng 22-taon ng kaniyang hatol na life sentence dahil sa cocaine trafficking.

Mula noon ay inimbitahan siya sa White House sa iba’t ibang okasyon para makibahagi sa working group sa pardons and clemency.

Si Kardashian na may 134 million social media followers ay nangangailangan ng apat na taon ng internship sa law firm sa California bilang requirements dahil hindi ito nakapagtapos mula sa kolehiyo.