-- Advertisements --

Opisyal na kabilang sa Forbes billionaires list sa buong mundo ang reality star na si Kim Kardashian West.

Ito ang unang pagkakataon an napasama sa listahan ng Forbes na inilabas nitong Martes.

Naging malaking tulong nito sa pagyaman ang kaniyang KKW Beauty and Skims bukod pa sa kaniyang television shows at
endorsement deals.

Taong 2017 ng inilunsad ni Kardashian West ang KKW Beauty kung saan binili ng COTY ang 20 percent na share sa cosmetics line deal noong nakaraang taon.

Habang ang kaniyang Skims na negosyo ay koleksyon ng mga figure-hugging shapewear at bodysuits.

Ayon pa sa Forbes na mayroon pa itong investments sa real estates at ilang negosyo.

Maguugnitang noong nakaraang taon nakasali na rin ang kapatid nitong si Kylie Jenner na itinuturing na pinakabatang bilyonarya sa edad lamang na 21-anyos.