-- Advertisements --

Malaki ang maitutulong ng dalawa o tatlong submarine sa Ph Navy sa kanilang fleet upang ganap na maisagawa ang kanilang mandato na protektahan ang maritime domain ng bansa.

Sinabi ng tagapagsalita ng Ph Navy for WPS Commodore Roy Vincent Trinidad, na nagsumite ang Navy ng wish list nito para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Horizon 3 —na kinabibilangan ng mga submarine.

Ngunit binanggit niya na wala silang impormasyon kung maaprubahan ang kanilang kahilingan.

Matatandaang inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga pagsasaayos sa Horizon 3 ng modernisasyon ng AFP.

Sinabi ni Marcos na pinaplano ng kanyang administrasyon na kunin ang kauna-unahang submarino ng Pilipinas, ngunit binanggit niya na inuuna ng gobyerno ang pagpapaunlad ng mga kakayahan ng Navy laban sa submarine.

Una na rito, ang nasabing 2 kahilingang submarine ay makakatulong sa hukbong dagat na mas mapaigting pa ang pagbabantay sa karapatan at teritoryo ng ating bansa sa West Ph Sea.