-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Justice na tukoy na nila kung saan maaaring mahanap ang pugante at dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag.

Pinaghahanap pa rin ang dating opisyal sa kabila ng warrant of arrest na inilabas ng korte laban sa kanya.

Ayon kay Justice Assistant Secretary Atty. Mico Clavano, hindi pa rin tumitigil ang mga awtoridad sa paghahanap kay Bantag sa kabila ng mahigit isang taon na pagtatago nito.

Kailangan lang aniya na maging patient dahil mahirap kung malagay sa alanganin ang mga law enforcement agents.

Ngayong linggo lang ay ibinasura ng Court of Appeals ang petition for certiorari na inihain ng kanilang kampo.

Ito ay komokwisyon sa naging kautusan ng Las PiƱas Regional Trial Court-Branch 254 na ibasura ang kanyang kahilingan na motion to quash information and warrant of arrest at ang motion for reconsideration.

Si Bantag ang itinuturong utak sa pagpapapatay kay Percy Lapid na masugid na kritiko nito.