-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Justice na magpapadala sila bukas ng kinatawan sa Indonesia upang makipag pulong sa kanilan counterpart agency doon.
Layon ng hakbang na ito na mapauwi ngayong buwan bago magpasko si Mary Jane Veloso.
Si Veloso ay unang nahatulan ng parusang kamatayan dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Justice Undersecretary Raul Varquez, kinukumpleto na ng Indonesia ang mga kinakailangang dokumento para makauwi na ng Pilipinas ang naturang Pinay.
Aniya, kung magiging smooth ang proseso ay makikita na nito ang kanyang pamilya sa Pilipinas bago mag pasko.
Naniniwala naman ng DOJ na magiging madali ang proseso ng Indonesia sa pagpapauwi kay Veloso.