-- Advertisements --

ILOILO CITY – Handa na ang Mini Catriona Gray ng Guimaras na kumatawan sa Pilipinas sa Little Miss Pre-Teen Pacific World and Australasia 2023.

Ito ay si Hera Alerta, 10 taong gulang, isang grade 5 pupil at residente ng Buenavista, Guimaras.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Hera, sinabi nitong labis ang kanyang paghanga kay Miss Universe 2018 Catriona Magnayon Gray at ito umano ang kanyang inspirasyon sa kanyang pamamayagpag sa beauty pageants sa murang edad.

Gaya ng kanyang idolo, marami rin ang humahanga kay Hera sa taglay nitong confidence at galing sa pagsasalita at pagrampa.

Sa buwan ng Nobyembre gaganapin ang international pageant at labis ang excitment ni Hera dahil ito ang unang bes na makapunta ito sa Australia.

Aniya, puspusan ngayon ngayon ang kanyang training at sa oras na maiuwi nito ang korona, ipinangako nitong magbigay ng pera sa mga mahihirap na mga kababayan sa Guimaras.