-- Advertisements --

ILOILO CITY – Putol man ang kamay at paa, hindi naging hadlang ito para sa Paralympian na tuparin ang kanyang pangarap na gumawa ng pangalan sa larangan ng palakasan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Gary Adornado Bejino, 25, na tubong Albay at magko-compete sa swimming event sa S6 category sa Tokyo 2020 paralympics, sinabi nito na dahil sa aksidente noong pitong taong gulang pa lang siya kung kayt naputol ang kanyang mga braso at binti.

Ayon sa kanya, sa kabila ng nangyari, hindi ito nakapigil sa kanya na sumali sa sports.

Sinabi nito na bagamat walang formal training ngunit matapos nagvolunteer ito na maging bahagi ng kompetisyon,doon na nagsimula ang kanyang karera sa swimming sa edad na 17.

Mula noon naging consistent medalist si Bejino sa local at intl competitions at natupad ang pangarap na maglaro sa paralympics sa unang pagkakataon.