Nagtungo ang mga kinatawan ng United States Agency for International Development sa Loakan Airport sa Baguio City sa lalawigan ng Benguet.
Ito ay matapos ng naging pulong nito sa Camp Aguinaldo.
Layon rin nito na makipag pulong sa ilang opisyal ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, Tactical Operations Group 1 ng Philippine Air Force.
Nakahanay rin itong para sa meeting kasama ang Department of Environment and Natural Resources-CAR.
Pangunahing tatalakayin sa mga pagpupulong na ito ay ang kasalukuyang update sa forest fire sa Benguet.
Sa isang pahayag, sinabi ng OCD na nananatiling aktibo ang USAID sa pagbabahagi ng kanilang istratehiya na may kinalaman sa paggamit ng heli buckets.
Ito ay bilang paraan upang maapula ang forest fire. sa nasabing lalawigan.
Siniguro naman ng grupo mula sa Estados Unidos na handa sila sa anumang kapasidad.
Kabilang na rito ang kapasidad na tumulong sa aerial suppression operations.
Sa ngayon ay hindi pa rin naapula ang forest fire sa Benguet at patuloy pa rin itong tinutugunan ng mga kinauukulan .