-- Advertisements --

Nilinaw ng longtime publicist ni Tanya Roberts na walang kinalaman sa Coronavirus Disease ang karamdaman ng dating Hollywood actress.

Pahayag ito ni Mike Pingel matapos ianunsyo na pumanaw na ang 65-year-old veteran actress pero kinalaunan ay nakumpirmang buhay pa.

Gayunman, naka-ventilator aniya si Roberts at “very grim” pa rin o hindi maganda ang kondisyon nito.

Tanya Roberts

Ang anunsyo nitong Linggo ng gabi, January 3 (Lunes ng umaga sa Pilipinas, January 4), ay base daw sa longtime partner ni Tanya na si Lance O’Brien na silang magkasama sa ospital

December 24 o bisperas ng Pasko nang isinugod sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles si Tanya nang nawalan ng malay habang nasa bahay nila sa California matapos ipasyal ang mga alagang aso.

Ugat ng “wow mali” na ulat ay ang naging pahayag umano ni O’Brien sa CNN
na labis ang panlulumo nito nang magpaalam kay Tanya noong gabi na inakala nitong huling pagkakataong makakapiling niya si Tanya sa ospital.

Pagsapit ng Lunes ng umaga habang nasa kanilang bahay, nakatanggap daw ng tawag si O’Brien mula sa ospital at kinumpirmang buhay pa si Tanya.

Si Tanya Roberts ay nakilala sa pagganap bilang leading lady ni Roger Moore sa James Bond film na “A View To A Kill” noong 1985.

Ilang taon din siyang naging bahagi ng dalawang sinaunang American TV series- ito ay ang sitcom na “That 70’s Show” at sa original Charlie’s Angels.

Taong 2005 nang huling beses na napanood sa telebisyon si Tanya sa kanyang papel bilang Elle sa series na Barbershop. (OMG)