-- Advertisements --

Mainit na tinanggap ni French President Emmanuel Macron si King Charles at Queen Camilla.

Nasa France ang Royal couple para sa tatlong araw na state visit.

Kasama ni Macron na sinalubong ang British monarch ang asawa nito at sila ay nagbigay pugay sa Tomb of the Unknown Soldier.

Nagsagawa ng pag-uusap sina King Charles at Macron sa Elysee Palace bago isinagawa ang state dinner sa Palace of Versailles.

Mayroong 160 mga kilalang personalidad ang dumalo sa state dinner kasama sina Hugh Grant, Charlotte Gainsbourg, Arsene Wenger and Didier Drogba.