-- Advertisements --

Dumating na sa Samoa para sa apat na araw na state visit si King Charles.

Pamumunuan niya sa unang pagkakataon ang pagtitipon ng mga Commonwealth presidents at prime ministers.

Kasama niya si Queen Camilla kung saan sinalubong sila ni Prime Minister Fiame Naomi Mata’afa pagkalapag ng kanilang eroplano sa Faleolo International Airport.

Ang dalawa ay galing sa anim na araw na state visit sa Australia.

Ang Samoa ay maliit na bansa sa central South Pacific Ocean na binubuo ng siyam na isla.