-- Advertisements --

Ipagpapatuloy na ni King Charles III ang kaniyang public engagements sa susunod na linggo.

Ayon sa Buckingham Palace, kasunod ito sa pagbuti ng kaniyang kalusugan kahit na sumasailalim sa gamutan dahil sa cancer.

Paglilinaw nila na hindi pa buo ang nasabing official engagements at limitado lamang ito.

Magsisimula ito sa araw ng Martes sa pamamagitan ng symbolic trip sa cancer treatment center.

Ilan sa mga plano nito ay ang state visit at ang pag-host niya sa bibistang Emperor at Empress ng Japan.

Hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa ibinubunyag ng Buckingham Palace kung anong uri ng cancer ang dumapo sa hari.