-- Advertisements --
Natuloy na rin ang pagkikita nina King Charles III at Pope Francis.
Kasama ni King Charles III ang asawang si Queen Camilla na nagsagawa ng pribadong pagbisita.
Ito ang unang pagkakataon na makaharap ng 76-anyos na si King Charles ang Santo Papa mula noong maupo sa puwesto noong 2022.
Nasa Italy ang Royal Couple para sa apat na araw na pagbisita.
Una ng kinansela ni King Charles ang pagbisita sa Vatican matapos na payuhan ng doctor nito magpahinga bunsod ng temporaryong side effects mula sa gamutan niya ng kaniyang cancer.