Lubos umanong na naantig at nagpasalamat sa hindi matatawarang suporta mula sa publiko para magbigay pugay kasabay ng libing ngayong araw na kanyang ina na si Queen Elizabeth II.
Sa inilabas na written message mula sa Buckingham Palace, sinabi ni King Charles na sa nakalipas na mahigit na 10 araw, inihayag nito na lubos siya at ng kaniyang maybahay na si Queen Consort Camilla ay naantig sa pagpapaabot ng mga mensahe, ng pakikidalamhati at suporta.
Sa gabi din ng funeral naglabas ang Buckingham Palace ng isang hindi pa nakikita noong larawan ni Queen Elizabeth.
Kinunan ang naturang litrato bago ang Platinum Jubilee Celebrations noong Mayo kung saan makikita ang nagniningning na ngiti ni Queen Elizabeth sa camera sa kaniyang Windsor Castle home.
Nakasuot ng blue dress si Queen Elizabeth, kaniyang paboritong 3-strand pearl necklace, pearl earrings at ang kaniyang aquamarine at diamond brooches, ang regalong natanggap ng queen sa kaniyang ika-18 kaarawan mula sa kaniyang namayapang ama na si George VI noong 1944 na kaniya ding isinuot noong ika-75 anibersaryo ng Victory in Europe Day noong 2020.
Aabot sa 2,000 katao ang dumalo sa seremonyas kabilang ang nasa 500 presidente, prime ministers at foreign royals mula sa iba’t ibang dako ng mundo.
Pangungunahan ni King Charles III ang mourning ceremony para sa longest reigning monarch