-- Advertisements --

Binati at kinamayan ni King Charles III ang mga tao na nasa labas ng Buckingham Palace.

Pagbababa pa lamang nito sa sasakyan ay nilapitan niya ang mga tao na nakapaligid sa palasyo.

Pinasalamatan nito ang mga ito sa pakikiramay matapos ang pagpanaw ng ina nito na Queen Elizabeth II.

Mula pa kasi ng kumalat ang balitang pagpanaw ng monarch queen ay dumami na ang mga tao na nagtungo sa harap ng Buckingham palace at nag-alay ng mga bulaklak.

Nakatakdang magbigay din ng kaniyang unang adress si King Charles sa Buckingham Palace.