-- Advertisements --

DAVAO CITY – Malaking hamon ngayon sa bagong Hari ng Britanya na si King Charles III ang isyung kasalakuyang hinaharap ng United Kingdom.

Sa panayam ng Bombo Radyo Davao kay Dean Rowe, Bombo International Correspondent sa United Kingdom, nananatiling kritikal umano ang estado at sitwasyon ng ekonomiya ng bansa dahil sa COVID 19-Pandemic.

Dagdag pa ni Rowe, ang pagtanggap ng ilang tao kay King Charles III na humalili ngayon sa reyna ay isang malaking balakid sa pagbabago ng monarkiya.

Si Queen Elizabeth II ay naging pamantayan para sa mga mamamayang British sa loob ng mahigit pitumpung taong paglilingkod nito sa trono , kaya dapat daw ipagpatuloy ni King Charles III ang kanyang nasimulan.

Sa kasalukuyan, nanatili pa ring nagdadalamhati ang mga residente ng bansa dahil sa pagkamatay ni Queen Elizabeth II.

Ang lahat sa labas ng Westminster Hall ay nag-alay din ng pakikiramay upang magbigay ng kanilang paggalang sa reyna.