-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapagamot ni King Charles ng kaniyang cancer.
Ayon sa Buckingham Palace, na gumaganda na ang kalusugan ng hari at itutuloy nila sa susunod taon ang nasabing gamutan.
Nitong Pebrero ay ibinunyag ng palasyo na dinapuan ng hindi malamang uri ng cancer ang hari.
Nadiskubre lamang ng sumailalim sa test para sa corrective procedure ng kaniyang lumaking prostate.
Bumalik ito sa pakikipag-ugnayan sa publiko noong buwan ng Abril.
Mula noon ay naging mahigpit ang pagbabantay ng medical team ng hari lalo na tuwing mayroon itong official public engagement.