-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Napatay ng mga magsasaka ang isang malaking ahas o King Cobra sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Chokoy Saban na habang papunta sila sa kanilang sakahan sa Sitio Saban Barangay Maybula Tulunan Cotabato ay namataan nila ang malaking King Cobra o Banakon.

Pinagtulungan ito ng mga magsasaka na hampasin ng kahoy kaya napatay nila ang makamandag na ahas.

Matatandaan na isang magsasaka ang nasawi nang tuklawin ng King Cobra sa Brgy Paraiso sa bayan parin ng Tulunan.

Marami na rin ang nasawi sa tuklaw ng King Cobra sa probinsya ng Cotabato lalo na sa paanan ng Mount Apo.