-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isang malaking makamandag na ahas ang napatay ng mga residente sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat na namataan umano ng mga residente ng Sitio Balawan, Barangay Malasila, Makilala, Cotabato ang malaking King Cobra o mas kilala sa tawag na Banakon.

Agad nagtulungan ang mga residente at pinatay ang makamandag na ahas.

Matatandaan na marami na ang nasawi sa kagat ng King Cobra sa North Cotabato lalo na yong mga nakatira sa paanan ng Mount Apo.