-- Advertisements --

Naka-isolate ngayon si King Felipe VI ng Spain matapos na ito ay nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Royal House, nakaranas umano ang 54-anyos na hari ng mga mild symptoms.

Nasa kaniyang bahay ito ngayong naka-quarantine ng pitong araw.

Unang naturukan ng COVID-19 vaccine ito noong Mayo 2021 subalit hindi na kinumpirma ng kampo nito kung nakapagpaturok pa ng ikalawang dose.

Hindi namang nahawaan ang asawa nito na si Queen Letizia at mga anak nila.