Ilalagak ang labi ni Queen Elizabeth II sa King George VI Memorial Chapel sa Windsor Castle ng St George’s Chapel kung saan din nakalagak ang ama, ina, kapatid at ang kaniyang namayapang asawa na si Prince Philip.
Nakumpleto ang kontruksyon ng memorial chapel noong 1969.
Ito ay kinomisyon ni Elizabeth bilang pemanent resting place para sa kaniyang yumaong ama na si dating King George VI na pumanaw sa edad na 56 noong Pebrero 1952.
Subalit ang labi ni Queen Elizabeth ay hindi itatabi kasama ng iba pang mga royals na inilibing as Royal Vult na nasa ilalim ng chapel.
Ang Royal vault ang libingan ng mahabang listahan ng mga royals noong 18th at 19th century kabilang na si George III na pumanaw noong 1820.
Nang nabubuhay pa si Queen Elizabeth, tinanggihan ng reyna ang ideya ng tradisyunal na marble chest tomb na may kasing laki ng mga effigies na pinapaboran ng mga naunang royals para sa libing ng kanyang ama.
Sa halip, ang libingan ng hari ay minarkahan ng isang simpleng bato ng itim na Belgian na marmol na nakalagay sa sahig na may inskripsiyon na “George VI”.
Ang dedikasyon ay naganap noong Marso 31, 1969, sa isang seremonya na dinaluhan ng balo ni George na si Queen Elizabeth, ang Queen Mother, kasama ang reyna, si Prince Philip, ang kapatid ni Elizabeth na si Princess Margaret at lahat ng apat na anak ng monarch.