-- Advertisements --
Dismayado si Luis “King Kong” Ortiz sa kanyang panalo laban kay Alexander Flores sa loob lamang ng 45 seconds sa kanilang 10 round heavyweight championship fight sa Microsoft Theater sa Los Angeles.
Una nang tumama ang kanan ni Ortiz sa katawan ni Flores.
Pero biglang natumba si Flores sa canvass at nahirapan ng tumayo.
Agad ding itinigil ng referee ang laban para ideklara ang first round technical knockout.
Paliwanag naman ni Flores matapos ang laban, may injury daw siya sa mata makaraang magkabungguan sila ni Ortiz.