-- Advertisements --
DANNY KINGAD
Danny Kingad

Nagwagi sa pamamagitan ng split decision si Filipino Mixed Martial Arts fighter Danny Kingad laban kay Reec McLaren sa ONE: Dawn of Heroes.

Naging matindi ang palitan ng dalawang fighter sa unang round hanggang makabawi si Kingad sa ikalawang round.

Pinaulanan ng suntok at sipa ni Kingad ang kaniyang kalaban.

Pagpasok ng ikatlong round ay nakapasok ang sipa nito na siyang nagbigay ng mataas na puntos para sa Team Lakay member.

Dahil sa panalo ay abanse na ito sa ONE Flyweight world grand prix.

Susunod na makakaharap nito si Demetrious Johnson na nagwagi naman laban kay Tatsumitsu Wada.