-- Advertisements --
Sinibak ng Sacramento Kings ang kanilang head coach na si Luke Walton.
Ito ay matapos ang mahinang simula ngayong season.
Sa huling laro kasi nila ay tinambakan sila ng Utah Jazz 123-105 na nagresulta sa kanilang record na anim na panalo at 11 talo.
Sinabi ni Kings general manager Monte McNair na mayroon pang igagaling ang kanilang koponan.
Hindi lamang din dapat isisi kay Waltong ang mahinang laro ng koponan at sa halip ay sa mga manlalaro at staff din.
Pansamantalang hahalili bilang coach ang assitant nito na si Alvin Gentry.