-- Advertisements --

Muling binuhat ng bigman na si Domantas Sabonis ang Sacramento Kings para patumbahin ang New Orleans Pelicans, 111 – 109.

Kumamada ng 32 points si Sabonis kasama ang 20 rebounds. Tinulungan naman siya ng midrange specialist na si DeMar DeRozan na nagpasok ng 29 points.

Naipanalo ng Kings ang naturang laban sa kabila ng 7 of 20 shots lamang na naipasok ng star na si De’Aaron Fox.

Maging ang isa sa mga shooter ng koponan na si Malik Monk ay nalimitahan lamang sa dalawang field goal mula sa 11 shots na pinakawalan.

Nasayang naman ang 36 points ng guard na si CJ McCollum, kasama ang all-around play ni Dejounte Murray na gumawa ng 20 points, 9 assists, at pitong rebounds.

Gitgitan ang naging laban sa pagitan ng dalawang koponan at sa 4th quarter ay pinilit pa ng Pelicans na humabol.

Lamang kasi ng 8 points ang Kings sa 3rd quarter ngunit pinilit itong burahin ng Pels. Gayonpaman, kinulang ito ng tatlong puntos para maipanalo sana ang naturang laban.

Sa kabila ng magandang lineup ng Pels ngayong season, ito na ang ika-21 pagkatalo na dinanas nito, habang nanatili pa rin sa lima ang nagawang panalo.

Balik naman sa .500 ang Kings sa kartadang 13 – 13.