-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 si Sacramento Kings player Harrison Barnes.

Sa kaniyang Twitter account, sinabi nito na siya ay asymptomatic at bumubuti na rin ang kalagayan.

Nasa quarantine na rin ito at lalabas na lamang kapag mabigyan na siya ng go-signal ng mga health experts.

Nagpaalala ito sa mga fans na laging mag-ingat para hindi madapuan ng virus.

Umaasa siya na makakasama siya sa koponan niya sa muling pagbabalik ng laro ng NBA sa Florida.