Nanindigan si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na ang West Philippine Sea (WPS) ay pagmamay-ari ng bansa at kinuha lamang daw ito ng China.
“The stand is that it is ours. And they took it. World’s highest court ruled that. Period,†sagot ni Locsin sa tanong ng isang Twitter user sa kung ano ang posisyon ng Department of Foriegn Affairs sa gitna ng umano’y invasion ng China sa WPS.
Batay sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration, pinaburan ang Pilipinas sa kasong inihain kontra mga claims ng China sa pinag-aagawang teritoryo.
Sinabi ni Locsin na ang kailangan na lamang gawin ng gobyerno ng Pilipinas ay alamin sa kung paanong paraan mababawi ang mga inangkin ng China.
“Now the question is how to take it back. I personally have no fear of war. One attack on a public vessel triggers World War 3 with the USofA which is impervious to attack from Asia,†dagdag pa ni Locsin.