-- Advertisements --

Engaged na ang actress na si Kiray Celis sa nobyo nitong si Stephan Estopia.

Sa social media account nito ay ibinahagi nito ang ilang mga larawan ng wedding proposal.

Makikita na ginanap ito sa isang beach resort kung saan ibinida rin ng dating child star ang engagement ring.

Taong 2021 ng ibinahagi ng actress ang relasyon nila ng nobyo.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kaniyang mga fans at kasamahan nito sa showbiz.