Pasok sa Top 20 bilang isa sa may pinaka magandang national costume ang modelong si Kirk Bondad sa isinagawang national costume competition ng Mr. World 2024 sa Vietnam.
Proud na inirampa ng Filipino-German ang kanyang Igorot national costume sa na tinawag nitong ‘Warior’ na gawa ng Cordilleran designer na si Andrew Visaya Jr.
Ito’y pagkilala aniya sa probinsya ng kaniyang ina mula sa Mountain Province.
‘The Philippines is renowned as a top tropical tourism destination, but I doubt many people outside the country know about the Cordillera regions, like the City of Pines, Baguio. Let’s show the world the breathtaking beauty of the North, with its majestic mountains and vibrant culture,’ sabi ni Bondad.
Suot ni Bondad ang bahag na mayroong maching headdress na may dekorasyon na feathers kung saan inalintulad sa diyos ng bigas, habang bitbit nito ang sandata na gawa naman sa kalabaw.
Ayon sa organization nito ang suot ni Bondad ay pagkilala rin samayamang kultura ng Mountain Province kung saan ipinakilala nila bilang ‘The Modern Igorot’.
Samantala, para sa mga gustong bumoto ay bukas pa sa publiko ang botohan sa Mr. World website.