Tinanghal bilang Mister Pilipinas-International ang Filipino-German model na si Kirk Bondad.
Inirepresenta nito ang Baguio kung saan tinalo nito ang ibang kalahok sa pageant na ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa lungsod ng Pasay nitong gabi ng Lunes, Abril 28.
Si Bondad ay sumali na rin sa 2024 Mister World competition sa Vietnam noong Nobyembre kung saan umabot ito sa semifinals.
Nakuha namanni Kenneth Marcelino ng Laguna ang Mister Pilipinas Cosmopolitan award, habang si Michael Angelo Toledo ng Cebu City ay nakuha ang Mister Pilipinas Man of the Year 2025.
Nagwagi naman bilang Mister Pilipinas Eco International si Kitt Cortez ng San Juan City, habang Mister Pilipinas Manhunt International 2025 si Raven Lansangan ng Pampanga at Mister Pilipinas Global ang nakuha ni Jether Palomo ng Taguig City at Mister Pilipinas Supranational si Kenneth Cabungcal ng Dumaguete City.