-- Advertisements --
Tinanghal bilang best actor sa 54th WorldFest-Houston International Film Festival si Kit Thompson.
Ito ay dahil sa pagganap niya sa pelikulang “Belle Douleur”.
Tinalo nito ang ibang nominees na sina Hideyuki Kawahara at Yuh Kamiya ng Japan sa role nila sa “Sin-Gone Irony”.
Hindi naman nagtagumpay ang kasama ni Thompson na si Mylene Dizon na nominado bilang best actress dahil tinalo siya ni Nao Hasegawa ng Japan na nagwagi sa pagganap niya sa pelikulang “Beautiful Lure”.
Magugunitang nakuha ng pelikulang “Belle Douleur” ang Audience Choice Film ng Cinemalaya 2019 at ito rin ang directorial debut ng abogadong si Joji Alonzo.