-- Advertisements --

Nagpasya ang PBA na ibigay sa mga biktima ng bagyong Kristine ang buong kita ng Game 1 Finals ng PBA Governors’ Cup.

Sinabi ni PBA chairman Ricky Vargas, napagpasyahan ng board na ibigay ang ticket sales sa laban ng Ginebra at TNT.

Ang mga ibang koponan naman ay magbibigay ng pagkain at ilang kakailanganin na tulong sa mga biktima ng baha.

Magsisimula ang Game 1 ng PBA Finals sa araw ng Linggo sa Ynares Sports Center sa Antipolo.