Bumagsak ng 60% ang kita ng mga mangingisdang Pilipino malapit sa Scarborough shoal sa gitna ng fishing ban ng China sa disputed waters saklaw ang WPS.
Ayon sa grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), ang income ng mga mangingisda ay bumaba mila sa P10,000 ay nasa P4,000 na lang sa tuwing papalaot sila malapit sa Scarborough shoal.
Sa isang statement, sinabi ni PAMALAKAYA-Zambales provincial coordinator Joey Marabe, pinaigting pa ang presensiya ng mga barko ng China simula ng isailalim ang territorial waters ng PH sa fishing moratorium.
Bagamat hindi sila nakaranas ng untoward incidents sa malalaking barko ng China, ang presensiya umano ng mga ito sa lugar ay nakahadlang sa kanilang regular fishing activities.
Inaalam na rin ng grupo ang epekto ng fishing ban ng China sa kanilang mga kasamahan sa ibang probinsiya gaya ng Pangasinan at La Union.
Kaugnay nito, nananawagan ang grupo sa administrasyong Marcos na tulungan ang mga mangingisdang apektado ng fishing ban ng China.