Karamihan sa mga kinikita o sahod ng mga Filipinos ay napupunta sa pagkain.
Base sa inilabas na resulta ng pag-aaral ng data analytics na Kantar na kalahati sa mga kita ng mga Filipino ay napupunta sa utilities,
transportation at pagkain.
Mayroong 2,000 Filipino respondents ang lumahok sa nasabing pag-aaral at tinanong kung saan kadalasang napunta ang kanilang sahod mula 2018 hanggang 2022.
Mayroong 49 percent noong 2018 ang nagsabing napunta sa mga transportasyon, utilities at pagkain ang kanilang kita.
Tumaas ang porsyento ng 57 percent noong lockdowns dahil sa COVID-19 pandemic at ito ay bumaba 46 percent noong 2022 ng luwagan ang restrictions.
Noong 2018 ay lumabas na karamihan sa mga budget ng Filipino ay napunta sa mga fresh at package food.