‘Matumal’, ganito inilalarawan ng mga naghahanap buhay sa Luneta park, Maynila ang kanilang kita ngayong holiday season.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa mga nagtitinda ibinahagi ni Nicky na simula Disyembre 24, nang magumpisa silang magtinda sa harap ng Luneta Park kung saan binabalak umalis ng Enero 2, aniya lakasan na lang daw ng ng loob para makapag uwi ng sila ng kita.
Bukod kasi sa nababatid nito ang sitwasyon nila na maaaring mahuli dahil sa ‘walang kaukulang papeles na nag sasabing puwede silang magtinda sa naturang kalsada ay aalis na lang daw kung sakaling paalisin sila ng mga awtoridad.
‘Aalis na lang po, kung papaalisin nila, mahirap namang mapaginitan ka ng mga Pulis’, ani Nicky.
Nasasayangan naman sa araw ang kotserong si Romeo Sebastian dahil simula kaninang umaga ay ‘wala parin daw itong kita sa maghapon.
Paliwanag niya iilan na lang na mga Pilipino ang may interes sa kalesa dahil karamihan daw sa kaniyang mga naging pasahero simula nang mag kotsero ito 30-taon na ang nakakalipas ay karamihan puro banyaga.
Mag new-new year naman si Hamid Mama nang may pagasa. Sa maghapong pagpapasada ng kaniyang tuk-tuk o tricycle ay tanging isang daang piso palang ang kinikita nito sa mag araw.
Labis man ang pagbabago dahil nauunawaan niya naman ang mga Pilipinong mas ninanais na mag salubong ng bagong taon sa kanilang mga tahanan.
Isa lang ang mga ito sa mga nagnanais na baguhin ang takbo ng kapalaran, hiling na magandang buhay at malusog na pangangatawan sa pagpasok ng taong 2025.