-- Advertisements --
Mas mababa ng 4.5 % ang kinita ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa loob ng dalawang linggong ipinalabas mula noong araw ng Pasko.
Mayroon kasing P955 million ang total ticket sales ng ika-45 edition ng taunang film festival.
Karamihan sa mga kita ay mula sa apat sa walong pelikulang kalahok.
Noong 2018 ay pumalo kasi sa P1.060 billion ang kabuuang kita ng nasabing MMFF.
Ayon sa organizers ng MMFF na isang dahilan ng pagbaba ng sales ay ang pagsara ng mga sinehan sa bahagi ng Mindanao na sinalanta ng bagyong Ursula at lindol.