Pumalo sa P6.2-bilyon ang nawala sa kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang small-town lottery (STL) operations.
Sa pagdinig ng House of Representatives Committee on Games and Amusements nitong Miyerkules ng umaga, sinabi ni Gay Nadine Alvor, legislative liaison officer ng PCSO, ang sales ng STL noong 2019 ay P19.87-bilyon, mas mababa kung ikumpara sa P26.11-bilyon noong 2018.
Magugunita na Hulyo ng nakaraang taon nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspension ng lahat ng gaming activities ng PCSO dahil sa umano’y malawakang korapsyon sa ahensya.
Sakop ng direktiba na ito ng Pangulo ang Lotto, STL, at Peryahan ng Bayan ng PCSO.
Agosto 2019 naman nang tuluyang tinanggal ni Pangulong Duterte ang suspensyon ng STL operations, basta sumusunod lamang ito sa mga itinakdang kondisyon.
Gayunman ayon kay Alvar, ramdam at nakaapekto pa rin ang maiksing suspensyon ng hanggang 2019.