-- Advertisements --

Inasahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas na babagsak ang kita ng turismo sa bansa.

Ayon kay BSP Senior Assitant Governor Iluminada Sicat na makakabalik lamang ang sigla ng turismo depende sa pagresolba sa health crisis.

Posible sa taong 2023 pa tuluyang makabangon ang turismo sa bansa.

Ilan sa mga dahilan ng pagbagsak ng turismo ay ang mabagal umano na vaccination program ng gobyerno at ang local transmission ng COVID-19.

Bago kasi ang pandemya ay umaasa ang BSP na magkakaroon ng 15% na pagtaas ng kita sa turismo pero ngayon ay hirap na maabot ng BSP at Department of Tourism ang kanilang target na manghikayat ng nasa 10 milyon na dayuhan sa 2022.