-- Advertisements --

Ipinakita sa publiko ng singer na si Kitchie Nadal ang ikalawang anak nito na si Babay Lago.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang ilang larawan ng bagong silang na anak.

Ang pangalan aniya na IAGO ay mula sa Sant IAGO na pinaniniwalaan nagsimulang purihin ang banal na salita sa northern Spanish region ng Galicia.

Hindi na nagbigay pa ng detalye ang singer kung anong petsa isinilang ang anak.

Ikinasal ang singer sa Spanish journalist na si Carlos Lopez noong Pebrero 2015 at isinilang ang panganay na anak na si Keon noong Agosto 2017.

Noong Hulyo ng ianunsiyo ng singer ang kaniyang pagbubuntis.