-- Advertisements --

Pumanaw na ang pambato ng Tonga sa kitefoller na si J.J. Rice sa edad na 18.

Ayon sa ama nito na si Darren, nasawi ang anak nito sa isang diving accident sa Tonga.

Ang US-born na si Jackson James Rice ay magiging kauna-unahang Caucacisan na magrerepresent ng Tonga sa Olympic.

Nangyari ang insidente habang nasa free diving ito ng makaranas siya ng water blackout.

Dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi na naisalba pa.

Nagtapos ito sa pang-walong puwesto sa Sail Sydney event noong Disyembre kaya nakakuha ito ng puwesto sa Olympics.

Ang Kitefoiling event ay siyang unang gaganapin sa Paris Olympics.