-- Advertisements --

Looking forward na si Soraya Ray L. Bañas o mas kilala bilang si Kitkat na sumabak muli sa trabaho.

Ito’y ilang araw matapos dumanas ng matinding food poisoning ang 36-year-old actress, gayundin din aniya ang kanyang asawa, at lahat sila sa bahay.

Ayon kay Kitkat, ligtas na ang kanilang kalagayan kung saan hindi na sila nahihilo, wala nang lagnat, tumigil na sa pagsusuka at pagdudumi, bagama’t masakit pa rin ang tiyan.

Kitkat 3

Mas lalo aniyang lumiit ang kanyang tiyan dahil sa mabilis na pagkalat ng toxins o yaong taglay na lason ng mga nakain nilang seafoods, pero natagalan bago mailabas lahat ng katawan.

“im ready to work again tom… cguro di lang ganun kadaldal at sakit pa din. Sa liit daw ng tyan ko sabi ng doctors e nanuot at bilis talaga nagspread toxins at tagal lumabas parang tarsier nakakapit heheh… thank YOU LORD 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 kala namin katapusan na naming lahat 🙏🏻❤️❤️❤️ GOD IS GOOD … #FoodPoison #survivor”

Pag-amin ni Kitkat, bigay lamang sa kanila ang naturang seafoods at hangad na sana raw ay tiyakin naman na malinis ang mga ipinapamahaging pagkain.

“Nakaka nginig nakaka trauma… lalo sa aming mag asawa na talagang malala ang pagkakatama… make sure malinis at mabuti po ang pagkakaluto at pag handle ng mga kahit anong sinusubo nyo…
sa nagbigay po ng seafood lesson na po sa ating lahat eto… pls pls. 🙏🏻”
ani Kitkat.

Una rito, pakiramdam daw nilang mga biktima ng food poison ay halos mamamatay na at nais nang alisin ang instestines noong hindi pa nakakapagpadoktor.

Nilinaw din ni Kitkat na wala silang Coronavirus Disease (COVID) kung saan sa parehong araw din noong bago sila malason ay ang pinakabagong pagsailalim nila sa swab test, para sana sa dadaluhang birthday celebration ng mga magulang.