-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nasa ospital umano ngayon ang presidential daughter at ang bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte dahil sa dengue.
Batay sa impormasyon, uuwi ng mas maaga ang common law wife ni pangulong Duterte na si Honeylet Avancena mula sa kanyang biyahe sa bansang Germany upang maalagaan ang kanilang anak ng Panuglo.
Lumabas rin ang report na nagmamadaling umuwi si Pangulong Duterte upang makita si Kitty mula sa kanyang limang araw na state visit sa bansang Russia.
Matatandaan na na-una nang ibinunyag ni Pangulong Duterte na isa si Kitty sa mga nabakunahan noon ng dengvaxia.