NAGA CITY – Kanselado ngayon ang pasok ng mga mag-aaral sa ilang lugar sa Camarines Sur dahil sa sama ng panahon.
Batay sa ulat, unang nag-deklara ng class suspension ang lokal na pamahalaan ng Tigaon para sa all levels ng public at private schools.
Sinundan naman ito ng anunsyo ng Baao municipal government na nag-kansela sa pre-school at elementary ng pareho ring pampubliko at pribadong paaralan.
Sa bayan ng Buhi, tanging pre-school to high school classes ng Brgy. Sta. Cruz, Ipil, Iraya at Ibayugan lang ang kinansela.
Ipinagutos ng lokal na pamahalaan ang kanselasyon dahil sa banta ng pag-apaw ng Lak Buhi.
Wala ring pasok ang Partido State University, kasama ang high school level ng bayan ng Goa.
Sa inilabas na memorandum ni Gov. Migz Villafuerte, sinabi nito na nasa kamay ng local chief executives ang desisyon sa pagkakansela ng klase sa kanilang lugar.