-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Sampung mga bayan sa lalawigan ng Agusan del Sur ang nagsuspende ng klase ngayong araw sa lahat ng baitang sa mga pribado at pampublikong paaralan dahil sa patuloy na pag-ulan na hatid ng shearline.
May iilang bayan din ang nagsuspende ng kanilang trabaho upang maasikaso ang kanilang pamilya at mga ari-arian upang maka-iwas sa peligrong hatid ng mga posibleng pagbaha.
Kasama na dito Sta Josefa, Bunawan, Loreto, La Paz, San Francisco, Rosario, Esperanza at Prosperidad habang maliban sa suspensyon ng klase, suspendido din ang trabaho sa mga bayan ng Veruela at Trento.