-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Apat na mga bayan sa lalawigan ng Agusan del Sur ang nagsuspende na ng kanilang klase dahil sa patuloy na pag-ulan na hatid ng shearline at easterlies.

Ito’y matapos magpalabas ng executive order kaninang umaga si Bunawan Mayor Sylvia Elorde para sa suspensyon ng klase sa lahat ng level sa pribado at pampublikong paaralan upang matiyak ang kaligtasan hindi lang para sa mga mag-aaral kundi pati na sa mga guro at sa mga non-teaching personnel.

Mananatili ang suspensyon ng klase hangga’ hindi ili-lift ang naturang executive order.

Kahapon, una ng sinuspende sa klase ang mga bayan ng La Paz, Loreto at Veruela dahil sa kagaya ring rason.Klase sa 4 na bayan ng Agusan del Sur, suspendido dahil sa mga pagbaha
Unread post by news.butuan ยป Wed Feb 26, 2025 6:39 pm