-- Advertisements --
VIGAN CITY – Pinasususpinde umano ng gobiyerno ng Japan ang klase sa buong buwan ng Marso dahil sa banta ng coronavirus disease 2019.
Sa report sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo International Correspondent Korina Mendoza na taga- Sta. Maria, Ilocos Sur ngunit nananatili ngayon sa Hyuga City, Kyushu, Japan na nais umano ng gobyerno ng nasabing bansa na suspendihin ang pasok sa paaralan.
Ito ay upang maiwasang mahawa sa sakit ang mga mag-aaral at kumalat ang COVID sa iba pang panig ng Japan.
Ngunit anya, hindi naman umano ito mandatory kaya nakadepende pa rin sa desisyon ng paaralan.
Samantala, bagama’t marami nang kaso ng COVID- 19 sa Japan, nananatili umanong ligtas ang kanilang kalagayan ngunit naka-alerto sila upang hindi mahawaan ng virus.