-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Aabot sa mahigit 98-libong mga elementary pupils pati na junior at senior high school students nitong lungsod ng Butuan kasama na ang 4,300 na mga teaching at non-teaching personnel ang apektado sa pagsuspende ng klase at trabaho ng Department of Education kon DepEd-Butuan City Division.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni DepEd-Butuan City Schools Division Superintendent Dr. Marilou Dedumo, na kahit alas-siete na ng umaga nila opisyal na inilabas ang class suspension nugnit discretion na umano ng mga school administrators ang pagsuspende ng klase base sa assessment sa kanilang area.

Kahit wala pang orange rainfall warning na inilabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ngunit dahil sa pagbaha na nararanasan na ibang mga barangay kung kaya’t kaagad ng sinuspende ang kanilang klase.